Kwentong-K ni Ate Raquel Jose

 Mar-23-2019

          Walang hanap-buhay, walang pinagkakakitaan at tanging sa asawa niya lamang siya umaasa na mas madalas pang magkasakit kaysa makapagtrabaho. Kung i-gagrado ang estado ng buhay nila noon 2/10 lamang at sa kasalukuyan dahil sa tulong ng KASAGANA-KA sila na ngayon ay nasa 7/10 na. Pagdating naman sa pag-aaral ng kanyang anak, lahat ng pwedeng ipagtipid ay pinipilit nitong makatipid mairaos lamang ang anak na nag-aaral. Mga pinagtigpi- tigping piraso ng kahoy lamang ang nag sisilbing kanilang dingding at ang kanilang sahig ay cocolumber na pinagdikit-dikit para hindi maputik sapagkat sila ay nakatira sa tabi ng ilog. Tanging sako lamang ang tabing ng kanilang palikuran. Si Ate Raquel ay mula sa SatO ng Sapang-Palay, kasalukuyang center chief sa kanilang sentro at mag labing-isang taon nang
miyembro ng KASAGANA-KA.
          Nagbabahay-bahay ang isang staff mula sa health center, at sinabing may magpapahiram ng puhunan pang negosyo na walang hinihinging kolateral. Nagpulong sila sa covered court at nagbakasakali na makakahiram. Nag aagam-agam siya dahil ang trabaho ng kanyang asawa ay pasulpot-sulpot lamang. Sa unang pagkakataon ay nakahiram siya ng limang-libo, at ibinili ito ng biik. Mabuti na lamang ay mayroon siyang mabuting kapit-bahay na nag pahiram naman ng kulungan. Pati narin ang mga pagkain ng biik ay kanyang inutang, at pagkatapos mabenta ang mga biik ay binayaran niya ang mga ito. Hindi naman habang-buhay ay makiki-kulong siya sa kanyang kapit-bahay. Kaya naman sa likod ng kanilang bahay ay nagpagawa na sila ng sariling kulungan ng kanilang mga biik. Pagkalipas ng apat (4) na buwan nang pag-aalaga sa baboy,
naibenta niya ito ng Php20,000 ang napunta sa kanya ay Php8,000 samantala ang Php12,000 ay napunta sa pambayad ng baboy. Simula noon ay unti-unti nang umunlad ang kanyang negosyo.

          Pagdating sa eskwelahan nakakita ang kanyang anak na ng sisiw na iba-iba ang kulay na nag kakahalaga ng sampung piso. Ibinili niya ang kanyang anak, ginawan ng kulungan ang sisiw at inalagaan hanggang sa ito ay lumaki. Dumating yung araw na kakatayin na ang manok, ayaw itong kainin ng kanyang mga anak. Doon pumasok ang ideya niya na mag-alaga na rin ng mga manok at idagdag ito sa kanilang negosyo hanggang umabot ito ng 400 pagkaraan ng ilang taon.

          Utik-utik na lumaki ang kanyang loan at dinagdagan ang mga alagang baboy. Dumating din sa punto na nagsimatay ang mga baboy at inilibing ito sa likod ng kanilang bahay, ngunit hindi siya sumuko nag-alaga muli si Ate Raquel ng mga baboy. Hanggang sa maka-ipon siya ng pambili ng hallow blocks para sa kanilang bahay at ang kinikita niya sa manok ay ginagamit sa panggastos sa kanilang pang araw-araw. Nagtatanim ng gulay na kanilang kinakain, nagsisibak ng kahoy at
binibenta ng tali-tali sa mga kapitbahay.

          Sa kasalukuyan si Ate Raquel ang supplier ng manok, itlog at baboy sa kanilang lugar. Bukod sa lugar nila nakakarating na rin ang produkto niya sa Pasay at Quezon City. Dahil sa lumaki na ang negosyo ni Ate Raquel siya ay nakakatulong na sa kanilang lugar, siya ay may mga delivery boy. At dahil kumikita na ang kanyang negosyo siya po ay nakapagpundar ng dalawang bahay, owner type jeep at van. At ayon kay ate Raquel ang nagging bahagi ng KASAGANA-KA bilang Pintuan, Tulay at Daan tungo sa kanyang Tagumpay.

          Isa pang malaking tulong sa kanya ng KASAGANA-KA ay pag-loan niya ng K-Edukasyon, dahil dito napagtapos niya ng pag-aaral ang kaniyang panganay na anak ng
Bachelor of Secondary Education Major in Science sa ngayon kanyang binubuno ang pag-aaral ng kanyang pangalawang anak na nag-aaral ng Maritime. Kaya walang hanggang pasasalamat ang ipinaaabot ni Ate Raquel sa KASAGANA-KA, at patuloy niyang tatangkilikin ang KASAGANA-KA habang siya ay nabubuhay.