Kwentong-K ni Ate Amelia Ubanan
Nov-28-2019“Katuwang sa Paglago”
Isang masipag at mabuting may bahay; Siya si Nanay Amelia Ubanan, 57 taong gulang na kasalukuyang naninirahan sa Cainta Rizal. Dating nanirahan sa Maynila kung saan niya nakilala ang kanyang kabiyak na si Tatay Ricardo Ubanan, isang on-call mekaniko. Sila ay nagkaroon ng dalawang supling. Ang panganay ay si Arlene Ubanan-Santos na nakatapos sa kursong Social Worker at ngayon ay isang manager sa isang pribadong kumpanya at ang bunsong anak naman ay si Mark Ubanan na nakapagtapos sa kursong Nursing na ngayon ay nakatira na sa Las Vegas at doon ay nagtatrabaho bilang Nurse. Parehas na tumutulong ang kanyang mga anak sa kaniya kahit na may kanya-kanya na itong pamilya.
Taong 2010, nang maging kasapi na ng K-Coop si Nanay Amelia. Nung una ay ayaw pa niyang sumali sapagkat maraming negatibong komento ang naririnig niya patungkol sa pamamalakad ng mga officer noon. Sa pamamagitan ng masugid panghihikayat sa kanya ng mga miyembro at sa kagustuhan niya na lumago ang kanyang inuumpisahang negosyo na Ukay-ukay ay napapayag rin siya.
Hindi man ganun kalaki ang kanyang unang loan na Php3,000 nagsilbing dagdag puhunan pa rin ito para sa kanyang negosyo. Ngunit dahil sa mura lamang ang kanyang mga paninda na minsa’y hindi pa maibenta, siya ay nag-isip ng iba pang pwede pagkakitaan. Sa tulong din ng kanyang asawa at sa kanyang ikalawang loan ay inumpisahan nila ang negosyong buy and sell ng mga parte ng sasakyan. Sa una ay nahirapan sila ngunit nang kumite sila ay agad nilang nadama ang bunga ng kanilang mga pinagpaguran.
Malaki ang naitulong ng Kasagana-Ka sa kanilang pamilya lalo sa kaniyang mga anak. Nakapagpatapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak at lumago pa ang kanilang negosyo. Bumili din sila ng videoke, pandagdag kita at ito’y kanilang pinapa-rentahan. Sa una ay dalawang unit lamang hanggang sa maging 12 na ito naging in demand ito lalo na kapag may mga okasyon. Sa kasalukuyan ay mataas ang halaga ng loan ni Nanay Amelia.Nag apply rin siya ng HIIP para sa seguridad sa hinaharap. Ang laking pasasalamat ni Nanay Amelia na nakapagloan na siya para sa pagpapa-ayos ng kanilang bahay. Kwento ni Nanay Amelia na “kahit nagpapadala ang mga anak ko, nais ko parin na makapagpundar ng sariling bahay para naman sa aming mag-asawa”. Kaya kahit may edad na silang mag-asawa ay patuloy parin silang naghahanap buhay dahil ayaw nilang maging pabigat sa kanilang mga anak. Sa kasalukuyan ay may mga tauhan na din silang inempleyo.
Hindi man umayon sa una ang kanyang naisip na negosyo ay may pumalit naman na mas maganda at mas nakatulong sa kanilang pamilya. Hindi siya sumuko at nawalan ng pag-asa kaya ngayon ay inaani na niya ang kaniyang pagtitiyaga at pagsisipag sa nakaraan.