MENSAHE SA ATING MGA MIYEMBRO :
May-01-2020
Mahal naming mga miyembro:
Unti-unti ng niluluwagan ng pamahalaan ang ating mga pagkilos. Kasama sana nito ang panunumbalik ng sigla ng ating ekonomiya at mga hanapbuhay.
Dahil sa dalawang buwan tayong nahinto malaki ang naging epekto nito. Marami sa ating mga miyembro ang nahinto sa pagnenegosyo. Marahil sa ngayon ay nakausap na kayo ng inyong mga SO o mga managers. Nag-ayos tayo ng mga patakaran upang makapag-adjust tayo sa mga pangyayari.
Kahit na nagluwag sa paghihigpit hindi nangangahulugan na wala na ang CoVid at ang peligro nito. Kailangan pa rin tayong mag-ingat. Iiwasan muna natin ang mga malalaking pagpupulong. Kailangan tayong gumamit ng iba't ibang paraan ng pagpaparating ng pera sa inyo at sa ating kooperatiba. Kailangan din natin na ingatan ang pondo ng K-Coop para patuloy itong makapaglingkod sa inyo.
Nasa mga kamay ninyo ang kalusugan ng bawa't isa, pamilya niyo, kasama sa sentro, mga SO at pamilya din nila. Patuloy tayong mag-iingat at sumunod sa mga paalala.
Pagtulungan po natin na makaahon ang bawa't miyembro ng K-Coop. Ipagdasal natin ang isa't isa at ang K-Coop.